Sumuko si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang isyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay ng kinahaharap niyang kasong plunder na nagkakahalaga ng P75 milyon.

Kasalukuyan na siyang nasa Camp Crame kung saan isinasailalim sa booking procedure.

Bago ang kaniyang pagsuko, dumalo si Marcoleta sa pagdinig ng kaniyang kaso sa Sandiganbayan nitong Lunes ng umaga. Sa panayam bago niya lisanin ang korte, sinabi ng senador na inaasahan na niya ang paglalabas ng warrant of arrest at iginiit na handa siyang harapin ang mga akusasyong ibinabato laban sa kaniya.

Ang kasong plunder ay may kaugnayan sa umano’y hindi idineklarang campaign donations na natanggap ni Marcoleta noong 2025 senatorial elections.

Advertisement
Advertisement