Nagpahayag ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul matapos ang muling pagkakahalal nito, kasabay ng pag-asa para sa mas pinalakas na ugnayan ng Pilipinas at Thailand sa mga pangunahing sektor.

Ayon sa social media post ng Pangulo, nakipag-usap siya kay Anutin sa telepono nitong Martes ng hapon upang personal na iparating ang kanyang pagbati sa pagkakahalal bilang Prime Minister ng Kingdom of Thailand.

“Delighted to speak with PM Anutin today to personally convey my congratulations… His re-election reflects the trust of the Thai people in his leadership and vision,” pahayag ni Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang layunin ng Pilipinas na palawakin ang kooperasyon sa Thailand sa mga prayoridad na larangan tulad ng enerhiya, food security, at paglaban sa transnational crimes sa rehiyong ASEAN. Ayon pa sa kanya, mahalagang manatiling puwersa ng kapayapaan, pag-unlad, at oportunidad ang ASEAN para sa mga mamamayan nito.

Advertisement

Ang Pilipinas ang kasalukuyang chair ng ASEAN ngayong taon at nakatakdang mag-host ng ASEAN Summits at iba pang kaugnay na pagpupulong.

Si Anutin ay muling nahalal bilang prime minister noong Marso 19. Nauna na rin siyang naitalaga ng parliament noong Setyembre 2025 matapos alisin sa pwesto si dating Prime Minister Paetongtarn Shinawatra dahil sa desisyon ng constitutional court kaugnay ng ethical breach.

Advertisement