Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang bagong kautusan na naglalayong palakasin at isaayos ang pamamahala sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order No. 131, itinatag ang National Artificial Intelligence Council (NAIC) na mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga patakaran at programa para matiyak ang ligtas at responsableng paggamit ng AI.
Layunin ng konseho na matiyak na ang pagbuo at paggamit ng makabagong teknolohiya ay naaayon sa pambansang interes, partikular sa seguridad, transparency, pananagutan at pangangalaga sa karapatan ng publiko.
Kabilang din sa mga pangunahing layunin ng kautusan ang pagpapalawak ng edukasyon tungkol sa AI, pagbibigay ng pagsasanay sa mga manggagawa, pagpapahusay ng digital infrastructure at pagsuporta sa pananaliksik at mga bagong inobasyon sa bansa.














