NAGA CITY- Naging matagumpay ang isinagawang mass wedding sa lungsod ng Naga kasabay ng Valentine’s Day.

Ginawa ang aktibidad sa Plaza Quince Martires na binuo ng 19 pares na mula sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Pinangunahan mismo ito ni Naga City Mayor Nelson Legacion.

Sa naging talumpati ni Legacion, muli nitong binalikan ang mga pinagdaanan ni Saint Valentines kung saan unang nagsimula ang okasyon.

Kaugnay nito, hangad naman ni Legacion na magkaroong mas maayos na buhay ang nasabing mga pares.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng nasabing mga persona sa naibigay na tulong sa kanila ng lungsod.