NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad matapos na barilin sa ulo sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na isang menor de edad na lalaki, residente ng Brgy Malabanban Sur sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang namumulot ng metal scrap ang biktima sa nasabing street ng bigla na lang dumating ang suspek na kinilalang si Alyas Lito at binaril sa ulo ang menor de edad na naging rason ng pagkamata nito.
Samantala, agad rin na tumakas ang suspek matapos ang naturang krimen papuntan sa direksyon ng Brgy. Masin Sur, Candelaria, Quezon.
Narekober rin sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired cartridge case ng caliber .45 na baril.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente lalo na ang paghahanap sa posibleng kinaroroonan ng tumakas na suspek.