NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos magpatiwakal sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Jimuel, residente ng Brgy. Inabuan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang sariling kapatid na nakabigti sa isang punong-kahoy hindi kalayuan sa kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na wala namang nangyaring foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing insidente.