NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa isang Beach Resort sa Brgy Camagsaan, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Mechico Akamine, 15-anyos

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na naligo ang biktima sa
dagat kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ngunit, napunta umano ito sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa tuluyang nalunod.

Itinakbo pa sana sa ospital ang biktima ngunit binawian na ng buhay.