NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa Barangay Antonio, Dolores, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 9-anyos na lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang naliligo ang biktima kasama ang pamilya nito nang bigla na lamang itong nagtungo sa malalim na bahagi ng swimming pool.

Nagunit ayon sa pamilya ng biktima, hindi nila napansin ng mga ito na pumunta ang nasabing menor de edad sa malalim na bahagi ng paliguan at nakita na lamang nila ang katawan nito na palutang-lutang.

Kaaagad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit ideniklara na itong dead on arrival ng mga doktor.Top