Umabot na sa mahigit 1,300 katao ang nasawi dahil sa labis na init ng panahon sa kanilang pagdalo sa Hajj pilgrimage.
Kaugnay nito, ayon sa Saudi government na maaring madagdagan pa ang nasabing bilang dahil may ilang mga biktima ang nasa pagamutan pa.
Nasa 83 percent naman ng mga nasawi ay mga unauthorized na magsagawa ng Hajj kung saan naglakad pa ang mga ito ng malayo sa tirik na araw.
Ilan din sa mga nasawi ay may edad na habang ang iba ay may dinaramdam na sakit na.
Bawat pilgrims kasi ay mararapat na makakuha ng lisensya para legal na makapunta sa Mecca kung saan tanging 1.8 milyon lamang ang bilang na kanilang pinayagan.