Tumanggi ang mga complainants sa ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na magsumite ng karagdagang sagot sa depensa ng bise presidente, na tinawag nilang “non-answer.”
Naghain sina Father Joel Saballa at iba pang complainants ng manifestation of waiver sa House Committee on Justice, na nagsasaad na hindi na nila bibigyan ng karagdagang tugon ang depensa ni Duterte.
Ayon sa kanila, hindi nasagot ng kampo ni Duterte ang mahahalagang alegasyon, kabilang ang umano’y hindi maipaliwanag na paggastos ng P125 milyon sa loob ng 11 araw at kabuuang P612.5 milyong pondo.
Samantala, iginiit ng depensa ni Duterte na dapat ibasura ang reklamo dahil umano sa kakulangan ng sapat na batayan at paglabag sa karapatan sa due process. Nilinaw din nila na hindi pa tapos ang usapin sa confidential funds at walang patunay ng ilegal na yaman.
Ang mga reklamong impeachment ay nakasentro sa umano’y paglabag sa Konstitusyon, katiwalian, at pagtataksil sa tiwala ng publiko.












