Tinatapos na ng Senado ang listahan para sa mga panukalang batas at iba pang nakabinbing usapin sakaling nagkaroon n ng isang espesyal na sesyon.
Iyan ang kinumpirma ni Acting Senate President Sherwin Gatchalin kaugnay ng inaantabayanang aktibidad.
Aniya, posibleng humiling ang Mataas na Kapulungan ng special session kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maipagpatuloy na ang mga agenda ng Senado na naantala dahil sa mga tensyon at balasahan ng liderato.
Matatandaang simula nang napabalita ang hindi pagkakasundo sa magkabilang panig ng kapulungan, naapektuhan ang pag-usad ng operasyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Kabilang sa mga naabala ang pagkakabuo ng Commission on Appointments at ng ilan sa kumite nito dahil mas naibabaling ang atensyon ng mga mambabatas sa iba’t ibang isyu na apektado ang liderato nito.
Aabutin na ng isang buwan ang nakalilipas nang magsimulang maging kontrobersyal ang Senado simula nang patalsikin bilang Senate President si Senador Tito Sotto at palitan ito ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Mayo 11.
Nagkaroong muli ng balasahan nitong Hunyo 3 nang ihalal ng 12 senador mula sa minorya si Senador Sherwin Gatchalian bilang Acting Senate President at Senate President Pro Tempore matapos umanong i-boycott ng Cayetano bloc nang dalawang araw ang plenary session matapos arestuhin si Senador Jinggoy Estrada sa salang plunder.














