Naaresto na ng Batangas PNP Special Intelligence and Tracker Team ang mga itinuturong suspek sa pagkidnap sa nawawalang Ms. Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon noong September 14 sa Balayan, Batangas.

Kinilala ang mga suspek na sina dating Police Major Allan de Castro na umano’y mastermind sa pagkawala ng beauty queen at bodyguard nitong si Jeffrey “Jepoy” Magpantay.

Mahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention kay Catherine ang mga suspek.

Ayon kay PMaj. Dave Alex Mercado, head ng Batangas Provincial Police Office PIO, hindi pinayagan ang mga suspek ng korte na makapagpiyansa.