NAGA CITY – Naniniwala ang alkalde ng bayan ng Minalabac na bagama’t nasa ilalim ng General Community Quarantine ang kaniyang nasasakupan, hindi pa rin dapat magpakakampante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Minalabac Mayor Christoper Lizardo, sinabi nito na matapos ang pananalasa ng bagyong Ambo, agad din nitong pinabalik ang mga frontliners na nakabantay sa naturang bayan.
Ayon kay Mayor Lizardo, mas hihigpitan pa rin nito ang pagtutok sa mga borders dahil marami na ang mga pribadong sasakyan na lumalabas-pasok sa naturang lugar.
Dagdag pa nito, pagdating naman sa pamimigay ng relief goods mayroon ding natanggap ang mga nasasakupan nito sa tulong ni Governor Migz Villafuerte.
Advertisement
Advertisement