NAGA CITY- Naaagnas na ng matagpuan matapos na magbigti sa isang puno ang isang lalaki sa Barangay Magais 1, Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rowell Quinanahan, 47-anyos, residente ng Dela Paz, Clarin, Misamis Occidental.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nakaresibe na lamang ng report ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen hinggil sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na nakabigti ang naturang biktima gamit ang isang sling bag.

Ayon dito, dahil nasa state of decomposition na ang katawan ng biktima ay agad itong inilibing ng mga otoridad sa Del Gallego Public Cemetery.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.