NAGA CITY- Nagpaabot ng pasasalamat ang Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga sa lahat ng mga naging bahagi ng Incident Management Team kaugnay ng pagtugon sa COVID-19 pandemic

Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na ito ay dahil sa na pagtutulong-tulong at kooperasyon ng IMT.

Kaugnay nito, maaalalang noong Mayo 16 pa huling nakapagtala ng COVID-19 case ang naturang lungsod.

Samantala, nagbigay din ang LGU ng komendasyon sa mga responders ng COVID-19.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang pag-monitor ng lungsod ng Naga kaugnay pa rin ng naturang pandemya.