Tumanggap ng apat na parangal ang Lungsod ng Naga mula sa Bureau of Local Government Finance (BLGF), kabilang ang pagkilala bilang Top Performing Local Government Unit (LGU) sa kategoryang City para sa pinakamataas na porsiyento ng lokal na nakokolektang kita kumpara sa kabuuang operating income.
Tinanggap ni City Treasurer Maricor Gayanilo, kasama ang mga kawani ng City Treasurer’s Office, ang mga nasabing parangal.
Nagpaabot naman ng pagbati si Naga City Mayor Leni Robredo sa buong grupo ng City Treasurer’s Office dahil sa mga natanggap na pagkilala.

Advertisement