Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 36-anyos na Chinese national na umano’y nagpanggap na Pilipino at gumamit ng pekeng pagkakakilanlan upang makakuha ng Philippine passport.

Kinilala ang suspek na si Yao Shucheng, na gumagamit din ng alyas na Lee King Agbulos. Naaresto siya noong Nobyembre 8, 2026, pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula Hanoi, Vietnam.

Ayon sa BI, gumamit umano si Yao ng mapanlinlang na birth certificate upang makakuha ng pasaporte ng Pilipinas.

Iniuugnay rin ang suspek sa pamamaril na naganap noong 2022 sa Parañaque City na ikinasawi ng dalawang Chinese national. Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente.

Advertisement

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng BI ang suspek habang inaasikaso ang proseso ng deportasyon at permanenteng paglalagay sa blacklist upang hindi na makapasok muli sa bansa.

Advertisement