Magpapahinga muna ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos ang kanyang kampanya sa 2026 WTA Tour season, kung saan nasungkit niya ang runner-up finish sa Hong Kong Open.
Nagtapos sa ikalawang puwesto si Eala matapos matalo sa finals kontra sa American tennis player na si Claire Liu sa iskor na 3-6, 0-6 sa torneong ginanap sa Victoria Park Tennis Stadium.
Sa kabila nito, naging makasaysayan ang season ni Eala matapos makamit ang bagong career-high ranking na No. 15 sa Women’s Tennis Association o WTA rankings.
Aminado si Eala na naging abala ang kanyang taon dahil sa sunod-sunod na mga torneo sa WTA Tour, gayundin ang pagsali sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan, at pagdalo sa New York at Paris Fashion Week.
Sa ngayon, nais munang magpahinga ni Eala, maglaan ng panahon para sa kanyang pamilya at pansamantalang lumayo sa publiko bago muling sumabak sa mga kompetisyon.













