NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Angelo Fernandez Galvez.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na nakumpiska mula sa suspek ang buy bust item na 5 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Dagdag pa nito, dalawang beses umanong pinaputukan ni Galvez ang mga otoridad gamit an kalibre .45 na baril nang aarestuhin na ito.

Aniya, maliban sa buy bust item, narekober pa rito ang limang sachet ng nasabing iligal na droga at apat pang live ammunition ng naturang baril.

Sa kabuuan, tinatayang papalo sa 50 grams ang nakumpiskang shabu sa suspek na nagkakahalaga ng P340,000.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.