Inihayag ng Office of the Ombudsman na ang pagkaantala sa paghahain ng plunder charges kaugnay ng umano’y flood control scam ay dahil sa paggamit ng mga “sophisticated methods” ng mga akusado, na nangangailangan ng masusing pagsusuri ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, masalimuot ang sinasabing iskema, kaya’t natagalan ang paghahanda ng kaso. Ipinaliwanag niya na ang mga dokumento at ebidensya ay kinakailangang suriin nang detalyado at “step by step,” at mahalaga rin ang witness development dahil may ilang testigo na nag-atubiling magsalita.

Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kabilang sa mga pinaghahandaang kaso sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero, at may indikasyon ng “conspiracy to commit plunder” na may kaugnayan sa flood control projects.

Ayon sa opisyal, posibleng maisampa ang mga kaso sa loob ng Mayo, habang tinatapos pa ng Ombudsman ang pagsusuri sa mga natitirang detalye upang maging malinaw at maipakita nang maayos sa Sandiganbayan.

Advertisement
Advertisement