NAGA CITY- Sugatan ang isang indibidwal matapos na bumangga ang pinagmamanehong motorsiklo sa isang kotse sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang sugatan na si Aldwin Aguilar, 27-anyos, residente ng Brgy. Poblacion 3, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office na napag-alaman na habang binabagtas ni Glenn Dolor, 32-anyos, residente ng Sitio Centro, Brgy., Talisay, Tiaong,Quezon ang kahabaan ng Escudero St. sa nasabing bayan gamit ang pinagmamanehong kotse ng bigla na lamang mabangga ng pinagmamanehong motorsiklo ni Aguilar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Aguilar na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.