NAGA CITY – Aabot sa humigit-kumulang P26,000.00 na halaga ng pera ang natangay ng mga magnanakaw sa isang water refilling station sa Barangay Sta. Rosa Del Norte, Pasacao, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Maria Victoria Regonaos, Deputy Chief of Police ng Pasacao Municipal Police Station, sinabi nito na hiniram umano ng suspek ang susi sa katrabaho nito na si Melchor Tabalan, 60-anyos na all around maintenance ng nasabing establisyemento.
Dito na binuksan ng suspek ang roll up door ng tindahan na naging dahilan upang makapasok ito, kung saan sinira nito ang lock ng money vault gamit ang screw driver, kung saan nakatago ang pera na nagkakahalaga ng nasa P26,000.00.
Kaugnay nito, ibinigay naman nito ang CCTV Box kay Joshua Escalante, 26-anyos na nagsilbi naman bilang look-out na na naghihintay sa labas at agad naman na tumakas ang mga ito matapos na maibalik angg susi kay Tabalan habang dala-dala ang nasabing pera.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad na naging dahilan upang agad na madakip ang nasabing mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad an mga ito para sa karampatang disposisyon.Top