Photo credit NCPO

NAGA CITY- Umabot sa halos P4.3M na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawa katao sa Barangay Balatas, Naga City kagabi.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na pasado alas 7:30 kagabi ng isagawa ang joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Army at Philippine National Police (PNP) sa nasabing lugar kung saan nahuli ang mga suspek na sina Yuner Inda at Jamaica Dela Cruz.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 700 grams ng pinaniniwalang shabu at mga drug paraphernalia na nagkakahalaga umano ng P4.3M.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.