NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P50,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang magsasaka sa Barangay 4, Lucban, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Marcel Porta, 39-anyos residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na naaresto si Porta matapos na silbihan ng search warrant ng mga otoridad
Kaugnay nito, nakumpiska rin kay Porta ang limang piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 2.49 grams at tinatayang nagkakahalaga ng nasa P50,796.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.