Nagpasok ang Senado ng karagdagang P500 milyon para sa pagpapaunlad ng industriya ng ube sa ilalim ng panukalang 2027 budget ng Department of Agriculture.
Kakulangan sa planting materials ang isa sa pangunahing hadlang sa pagpapalawak ng taniman, kaya malaking bahagi ng pondo ang ilalaan sa pagpaparami ng mga punla.
Makakatulong ito upang tumaas ang suplay ng lokal na ube at matugunan ang lumalaking pangangailangan sa pandaigdigang merkado.
Umaabot sa US$500 milyon ang global demand para sa ube, ngunit nasa US$3 milyon pa lamang ang halaga ng exports ng bansa.
Advertisement
Sa pagdami ng produksyon, madaragdagan ang oportunidad sa kita ng mga magsasaka at lalakas ang kakayahan ng Pilipinas na makipagsabayan sa lokal at banyagang pamilihan.
Advertisement













