NAGA CITY- Naniniwala ang isang boxing analyst na hindi pa magreretiro si fighting senator Manny Pacquaio sa larangan boxing.

Maalala na hindi nagtagumpay si Pacman laban ki Yordenis Ugas para sa WBA Welterweight title sa pamamagitan ng unanimous decision.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Seth Dematera, isang boxing analyst, nakikita nito si Pacman bilang isang matali na tao, mabait, relihoyoso at may puso sa mahihirap.

Ayon kay Dematera, sa kabila ng edad ni Pacman, hindi aakalain ang sinuman na matibay at mabilis pa rin ito sa loob ng ring.

Dagdag pa nito, pwede lamang magretiro si Pacman kung may mabigat na dahilan upang gawin ang desisyon gaya na lamang kung mananalo itong presidente ng Pilipinas.

Samantala, naniniwala naman si Dematera na maaring magkaroon pa ng ibang laban ang pambansang kamo laban sa ibang boksingero.

Maaalala na nagbitiw ng salita si Ugas na handa ito na bigyan ng rematch ang fighting senator.