Layunin ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian na maibalik sa normal ang operasyon ng Mataas na Kapulungan kung kaya bukas ito sa pakikipag-usap sa kampo ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Paglilinaw ito ng ngayo’y kinikilalang Senate President Pro Tempore kasabay ng kaniyang pagpayag na makipagdayalogo sa pangkat ng dating mayorya.

Paniniwala ni Gatchalian, ito ang magiging kalutasan upang hindi na maantala pa ang kanilang trabaho tulad ng pagpapatuloy ng sesyon at pagtalakay sa mga nakabinbing panukalang batas.

Ang hidwaan sa pagitan ng magkabilang panig ng dalawang senador ang itinuturong dahilan upang hindi magampanan nang maayos ng mga senador ang ang kanilang mga tungkulin.

Advertisement

Ito ang naging tugon ng kinikilalang pinuno ng Mataas na Kapulungan ng ilang komisyon at sangay ng pamahalaan matapos itong imbitahan ni Cayetano sa isang Facebook live para sa isang pagpupulong. Dito binanggit ni Cayetano may ipepresenta itong solusyon upang matukoy kung sino ba talaga ang tunay na pangulo ng Senado.

Una na nitong iginiit na nangangailangan ang itinuturing na bagong mayorya ng 13 boto upang makapaghalal ng bagong pinakamataas na opisyal ng kapulungan—bagay na kaniya ring hinihingi para maging valid umano ang quorum sa plenaryo. Tinawag rin niyang “illegal coup d’etat” ang nangyayaring pagbabago sa liderato nitong Hunyo 3 kung saan ay nagbalasahan din ng pamunuan sa bawat Senate committee.

Kasabay nito, kinilala pa rin ni Cayetano ang sarili bilang “legal,” “konstitusyonal,” at “moral” na Senate President ng ika-20 Kongreso.

Advertisement