Binanggit ni Iranian President Masoud Pezeshkian na ang banta ni US President Donald Trump na buksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras ay lalo lamang nagpapatibay at nagpapabuklod sa mga mamamayan ng Iran.

Ayon kay Pezeshkian na ang paniniwalang maaaring burahin ang Iran sa mapa ay isang desperadong hakbang at malinaw na hindi ito makakamtan.

Ipinaliwanag niya na ang Strait of Hormuz ay bukas sa lahat ng lehitimong gumagamit, ngunit mahigpit na ipinatutupad laban sa mga lumalabag sa kanilang teritoryo.

Giit ni Pezeshkian na handa ang Iran na harapin ang anumang banta, kabilang ang posibilidad ng atake sa kanilang mga oil at gas facilities, at nanindigan na tutugon sila kung kinakailangan.

Advertisement
Advertisement