NAGA CITY – Pinangunahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas’ na isinagawa sa Fuerte CamSur Sports Complex, Pili, Camarines Sur ngayong araw, Marso 7, 2025.

Sa nagin pahayag ni President Marcos, layunin ng serbisyong ito ay upang mabigyan ng magandang trabaho ang mga Bicolanong wala pang trabaho .

Maliban dito, mayroon ding medical mission na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalusugan ng bawat Pinoy.

Dagdag pa dito ang Kadiwa Store na abot kayang presyo upang maibsan ang nararanasan na pagtaas sa presyo nang mga bilihin.

Aniya, bago paman sila gumawa ng ganitong aktibidad ay tinitingnan muna nila kung ano ang mga magagandang serbisyo na ibinibigay sa taong bayang.

Samantala, inamin rin ng Presidente na maraming problema ang kinakaharap ng bansa ngayon na dapat masolusyunan.

Sa ngayon, nagpasalamat na lamang ang presidente sa lahat ng nakiisa sa naturang aktibidad.