Handa na ang Philippine men’s national football team sa kanilang laban kontra Tajikistan national football team para sa 2027 AFC Asian Cup Qualifiers.

Maghaharap ang dalawang koponan mamayang gabi sa home court ng Tajikistan, kung saan pareho silang may apat na panalo at isang draw sa Group A ng torneo.

Ayon kay head coach na si Carles Cuadrat, mahalagang makuha nila ang tatlong puntos upang mapalakas ang tsansa ng koponan na makapasok sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Sa huling paghaharap ng dalawang koponan sa Clark, nagtapos ang laban sa 2-2 draw. Nagsagawa rin ng training camp ang koponan sa Turkey, kung saan kumpiyansa ang coaching staff na kayang higitan ng mga Pilipino ang kanilang kalaban.

Advertisement
Advertisement