Photo © web

Nagkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at Vietnam na palakasin ang suplay ng bigas bilang bahagi ng long-term food security ng bansa, sa ilalim ng isang taong kasunduan na inaasahang magbibigay ng humigit-kumulang 1.5 milyong metric tons ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., bahagi ang kasunduan ng mas malawak na estratehiya ng gobyerno upang palakasin ang trade partnerships ng bansa sa mga pangunahing agricultural partners.

Nabuo ang kasunduan matapos ang high-level discussions sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hưng sa sidelines ng 48th ASEAN Summit sa Cebu.

Sa ilalim ng kasunduan, inaasahang magpapatatag ito sa supply ng bigas sa bansa at makatutulong sa pagpapalakas ng national buffer stocks.

Advertisement

Layunin din nito na mapanatili ang katatagan ng presyo ng bigas sa gitna ng mga pressure sa suplay sa pandaigdigang merkado.

Ayon pa sa Department of Agriculture, inaasahang darating ang unang shipment ng imported rice mula Vietnam pagsapit ng Abril 2027 kapag tuluyang naisapinal ang implementasyon ng kasunduan.

Advertisement