Ligtas at maagang pangangalaga sa kababaihan bago magbuntis, layon ng Pilipinas sa pagsunod sa modelo ng Singapore, ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian.

Ipinakita ng pamahalaan ang interes na i-replicate ang Singaporean government model na nag-iinvest sa kalusugan ng kababaihan at kabataan bago pa man sila magkaanak. Ang naturang plano ay napag-usapan sa bilateral meeting nina Secretary Gatchalian at Singapore Social and Family Development Minister Masagos Zulkifli, kung saan nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa child development at women empowerment.

Sa Singapore, sinusuportahan ang kababaihan sa preconception stage dahil mahalaga ang kanilang kalusugan sa maternal-child health outcomes at sa pangmatagalang produktibidad ng lipunan. Ang suporta ay kinabibilangan ng financial aid, libreng health screenings, at holistic services tulad ng kursong nagtuturo sa kababaihan kung paano alagaan ang kanilang anak pag nagbuntis na. Ipinapadala na rin ang mga social workers sa Singapore upang simulan ang operational details ng programa.

Sakop ng MOU ang pagpapalitan ng impormasyon at karanasan sa social protection, child and family development, pati na rin sa mga programang para sa persons with disabilities. Magkakaroon din ng institutional linkages at pagbisita sa mga pasilidad para sa pamilya, kabataan, at persons with disabilities.

Advertisement
Advertisement