Nagpatupad ang Office of the Vice President ng flexible work arrangements, kabilang ang four-day work week, alinsunod sa direktiba ng Malacañang upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng krisis sa Middle East.

Sa abiso ng tanggapan, epektibo agad ang bagong work setup kung saan Lunes hanggang Huwebes ang onsite work mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, habang ang Biyernes ay nakalaan para sa work-from-home arrangement ng mga empleyado.

Ang hakbang ay bahagi ng mas malawak na energy-conservation measures ng pamahalaan kasunod ng epekto ng tumitinding tensyon at armed conflict sa Middle East na nakaapekto sa suplay at presyo ng enerhiya.

Tiniyak ng OVP na sa kabila ng pagbabago sa work schedule, mananatiling tuloy-tuloy at maayos ang kanilang operasyon at serbisyo sa publiko.

Advertisement

Dagdag pa ng tanggapan, mahigpit nilang susundin ang mga patakaran sa pagtitipid ng enerhiya nang hindi nakokompromiso ang kanilang mandato at paghahatid ng serbisyo.

Advertisement