Target ng pamahalaan na simulan sa 2027 ang pagpapatupad ng mga waste-to-energy program sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay nito, inanunsyo rin ng Pangulo ang pagtatayo at pag-upgrade ng 13 pumping stations sa Metro Manila bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang mapabuti ang waste management at flood control infrastructure sa Kamaynilaan.

Layunin ng waste-to-energy programs na mapakinabangan ang ilang uri ng basura bilang pinagkukunan ng enerhiya, habang inaasahang makatutulong naman ang mga pumping station sa mas mabilis na pag-alis ng tubig-baha sa mga lugar na madalas makaranas ng pagbaha.

Ayon sa Pangulo, bahagi ang mga programang ito ng mas malawak na hakbang ng administrasyon upang tugunan ang mga suliranin sa basura, pagbaha at iba pang hamon sa imprastraktura.

Advertisement

Inaasahang magbibigay ang mga proyekto ng pangmatagalang solusyon sa waste management at flood mitigation, habang isinusulong ang mas maayos at mas ligtas na mga komunidad.

Advertisement