Inatasan ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na arestuhin si Senador Ronald dela Rosa kaugnay ng warrant na inilabas ng International Criminal Court.

Sa isang press briefing, kinumpirma ni Department of Justice Secretary Frederick Vida na maituturing nang “fugitive from justice” si Dela Rosa at dapat dalhin sa ICC upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon sa kalihim, ang hakbang ay alinsunod sa inilabas na arrest warrant ng ICC na nananatiling “valid” o may bisa.

Sa kasalukuyan, patuloy pang hinihintay ang opisyal na pahayag ng kampo ni Dela Rosa kaugnay ng nakaambang pag-aresto sa dating hepe ng PNP.

Advertisement

Matatandaang pinangalanan si Dela Rosa bilang isa sa mga co-perpetrators sa kasong crimes against humanity kaugnay ng umano’y libu-libong pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Advertisement