Ipinalabas na ng Philippine National Police ang malawakang rigodon o balasahan sa ilan sa kanilang matataas na opisyal bilang bahagi ng reporma sa pamumuno ni Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr..
Ayon sa general orders na pirmado ni Police Major General Constancio Chinayog Jr., epektibo ngayong Lunes, Marso 9, ang mga paggalaw sa ilang opisyal ng PNP.
Itinalaga bilang bagong hepe ng Special Action Force si Police Brigadier Gen. Kenneth Lucas, na dati ay Regional Director ng Police Regional Office 4A. Pinalitan naman ni Lucas si PBGen. Hansel Marantan, na dating hepe ng Highway Patrol Group, at ang nabakanteng pwesto ni Marantan ay hahawakan ni PBGen. Jessie Tamayao.
Inaasahan na hindi rito matatapos ang balasahan at posibleng magkakaroon pa ng karagdagang paggalaw sa ranggo ng iba pang opisyal ng PNP.













