Nagtapos na ang kampanya ni Pinoy pole vaulter at World No. 2 Ernest John Obiena sa Paris Olympics 2024.

Ito ay matapos na mabigo sa kanyang ikatlo at huling attempt sa 5.95m sa isinagawang finals ng pole vault sa Stade de France.

Nagtapos ang nasabing atleta sa pang-apat na pwesto.

Samantala, ang Sweden’s world No. 1 na si Mondo Duplantis, ang longtime record holder ng men’s division, ang nakapag-uwi ng gold medal. Nagawa rin nitong basagin ang kanyang sariling world record at nai-cleared ang 6.25m sa kanyang final attempt.