Hinimok ni Pope Leo ang mga mananampalataya na higit na ilapit ang kanilang sarili kay Hesukristo at hayaang baguhin nito ang kanilang pamumuhay upang makawala sa kasalanan at sa mga gawaing sumisira sa tunay na pagmamahalan.
Ayon sa Santo Papa, patuloy na tinatanggap at minamahal ni Kristo ang tao sa kabila ng mga pagkukulang nito. Gayunman, mahalaga ring pagsikapang talikuran ang mga maling gawain at piliin ang landas ng kabutihan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagharap sa mga masasakit na karanasan, paghilom mula sa mga sugat ng nakaraan at pagkilala sa mga pagkakamaling kailangang itama.
Dagdag pa ni Pope Leo, sa pamamagitan ng pagbubukas ng puso sa pagbabago at pagtitiwala sa paggabay ni Kristo, mas magiging makabuluhan ang buhay at mas mapapalalim ang pagmamahal sa kapwa.













