Napili ang Lungsod Quezon bilang host ng Palarong Pambansa 2027, ayon sa Department of Education o DepEd.
Kinumpirma ni DepEd Undersecretary Malcolm Garma na mayroon nang koordinasyon sa pagitan ng kagawaran at ng Quezon City government para sa pagho-host ng ika-67 edisyon ng taunang multi-sport event.
Ayon kay Garma, pormal ding magkakaroon ng turnover ceremony sa pagtatapos ng kasalukuyang Palarong Pambansa kung saan dadalo ang delegasyon ng Quezon City bilang susunod na host city.
Magugunitang ang host ngayong taon ng Palarong Pambansa ay ang Agusan del Sur.
Mahigit 13,000 student-athletes mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang lumahok sa naturang kompetisyon.
Inaasahang magiging sentro naman ng iba’t ibang sporting events ang Quezon City sa 2027 bilang bahagi ng taunang pagtitipon ng mga batang atleta sa bansa.








