NAGA CITY – Tuluyan ng binawian ng buhay ang Camarines Sur Civil Security Head at dating Jail Warden ng Tinganis Penal Farm matapos pagbabarilin sa labas lamang ng bahay nito sa San Felipe, Naga City.
Kinilala ang biktima na si Jojo Musa.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ariel Blanco, station commander kan NCPO-Station 3, sinabi nitong habang nakaupo sa labas ng kanyang bahay ang biktima nang pagbabarilin ng tatlong beses ng suspek.
Kaugnay nito nagtamo ng sugat sa katawan si Musa na agad naman itinakbo sa ospital ngunit binawian parin ng buhay habang ginagamot.
Agad umanong tumakas ang naturang suspek ngunit agad ding naaresto sa hot pursuit operation ng mga otoridad.
Nabatid na isang Retired Philippine Army ang suspek na si Elmer Nelmida, 58-anyos na mula sa Pili, Camarines Sur.
Nakilala aniya ito ng mismong katrabaho matapos mahagip ng CCTV Camera na malapit sa lugar na naging dahilan para agad itong matukoy ng mga otoridad.