Photo © web

Posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng diesel habang inaasahan namang tataas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, ayon sa industriya ng langis.

Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, tinatayang bababa ng ₱6 hanggang ₱8 kada litro ang diesel.

Samantala, posibleng tumaas ng ₱1 hanggang ₱4 kada litro ang presyo ng gasolina.

Ayon sa ulat, bumaba ng mahigit limang porsyento ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa optimismo kaugnay ng usapang pangkapayapaan sa Middle East.

Advertisement

Nasa $96.06 kada bariles ang presyo ng Brent crude matapos itong bumaba ng 5.1 percent, habang bumagsak naman sa $89.87 kada bariles ang West Texas Intermediate matapos mawalan ng 5.5 percent.

Karaniwang inaanunsyo ng mga oil company ang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan.

Noong Mayo 5, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-presyo na ₱2.20 hanggang ₱2.21 kada litro sa gasolina at ₱2.60 kada litro sa diesel, habang bumaba naman ng ₱3.53 kada litro ang kerosene.

Dahil sa pinakahuling galaw-presyo, umabot na sa kabuuang net increase ngayong taon ang ₱46.44 kada litro para sa gasolina, ₱51.62 kada litro para sa diesel, at ₱54.46 kada litro para sa kerosene.

Advertisement