Sa kaniyang manifestation, nagpahayag ng pangamba si Senator Judge Robin Padilla kaugnay ng mga sunod-sunod na pangyayaring may kaugnayan sa mga isyung lumilitaw habang nagpapatuloy ang pagdinig.

Inilahad ni Padilla ang kaniyang katanungan kung ang mga nagaganap sa loob at labas ng hukuman ay nagkataon lamang o mayroong ibang dahilan sa likod ng mga ito.

“Dapat po ba tayong mangamba?” ani Padilla habang ibinahagi ang kaniyang saloobin sa naging takbo ng mga pangyayari.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng anunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na bubuo ito ng task force upang imbestigahan ang umano’y mga iregularidad sa bidding at pagpopondo ng mga proyekto kaugnay ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa bansa.

Advertisement

Ayon sa NBI, isinagawa ang hakbang matapos makatanggap ng impormasyon na nais nilang suriin, habang iginiit naman ng ahensya na hindi ito muling pagbuhay sa lumang usapin kundi tugon sa mga bagong impormasyong natanggap.

Patuloy namang nagpapatuloy ang pagdinig habang tinatalakay ng mga partido ang kani-kanilang argumento at mga mosyong inihain sa komite.

Advertisement