NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen matapos na barilin sa Buenavista, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Carmelita Monterey, 71-anyos, residente ng Brgy. San Diego sa nasabing bayan.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakarinig na lamang ang anak ng biktima na si Anita ng putok ng baril 50 meters ang layo mula sa bahay ng kaniyang ina.

Kung saan ng umuwi umano ito sa bahay nila dito na tumambad an wala ng buhay na katawan ni Carmelita na mayroong tama ng baril sa kaniyang braso.

Advertisement

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang improvised shell ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Top

Advertisement