NAGA CITY – Sugatan ang isang senior citizen matapos na pagsasaksakin sa Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Manaog, 65-anyos, residente ng Barangay Del Rosario sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang suspek na kinilalang si Sopio Baldoza, 54-anyos, residente rin sa nasabing lugar, nang bigla na lamang umano nitong pinagsasaksak ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.