NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang sinunog na katawan sa Calauag, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad sa lugar ang isang Nestor Yasas, ng mapansin nito ang tinupok ng katawan ng biktima.

Kaugnay nito, agad na ipinaabot ni Yasas sa barangay kapitan ang nasambing insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na sinunog umano ang biktima gamit ang mga gulong ng kotse.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy pagkakakilanlan ng suspek na nasa likod ng nasabing krimen.