Naaresto ng mga pulis ang 49-anyos na suspek na si alyas “Benj” matapos ang isinagawang hot pursuit operation madaling araw ng Marso 16, kaugnay ng kumakalat na video ng nakawan sa Camaligan.
Sa ulat ng pulisya, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage kung saan makikitang pinasok nito ang bahay ng biktima at tinangay ang iba’t ibang mahahalagang gamit tulad ng mga sapatos, bag, ATM cards, at pera.
Lumabas din sa imbestigasyon na dati umanong nagtrabaho ang suspek sa naturang bahay, dahilan upang maging pamilyar ito sa estruktura ng lugar at mas mapadali ang isinagawang krimen.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Camaligan Municipal Police Station (MPS) ang suspek at nahaharap sa kasong robbery.
Advertisement
Advertisement










