Nagkaroon ng emergency response matapos magbanggaan ang isang tanker at cruise ship sa Mississippi River, malapit sa Port of New Orleans sa Louisiana, United States.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:30 nang bumangga ang tanker na Atlantic Asphalt sa cruise ship na American Heritage ng American Cruise Lines habang nakadaong ito sa ilog.

Agad namang rumesponde ang Coast Guard, mga pulis, bumbero at medical personnel upang tulungan ang mga pasahero at tripulante. Inilipat ang mga ito sa Port of New Orleans Administration Building para sumailalim sa pagsusuri at mabigyan ng kinakailangang tulong medikal.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon at imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at sanhi ng insidente.

Advertisement
Advertisement