Uminit ang alitan sa pagitan ni US Pres. Donald Trump at ni Pope Leo XIV, na nagdulot ng pagkadismaya sa ilang American Catholics na nagsabing lumalampas na sa hangganan ang mga kritisismo ng Pangulo laban sa Santo Papa.

Nag-ugat ang tensyon matapos tawaging “weak” ni Trump ang Santo Papa sa gitna ng mga hindi pagkakasundo nila sa isyu ng Iran, immigration, at foreign policy. Tinawag din ng US president ang ilang pahayag ng Pope bilang hindi angkop sa mga usaping pampulitika.

Si Pope Leo, na ipinanganak sa Chicago, ay nanindigang may moral na obligasyon siyang magsalita laban sa digmaan at karahasan, na lalo pang nagpalalim sa bangayan ng dalawang lider.

Sa New York City, ilang Katoliko ang nagpahayag ng pagkadismaya sa tono ng palitan ng pahayag. Ayon kay Jim Supp, 88, “ridiculous” umano ang pagkuwestiyon ng isang politiko sa pananaw ng isang pari, habang binatikos din niya ang AI-generated image na ipinost ni Trump na nagpapakita sa sarili bilang tila si Jesus Christ.

Advertisement

Para naman kay John O’Brian, dating advertising executive, ang naturang larawan ay maituturing na “blasphemy,” at hindi dapat ginagawang biro ang ganitong uri ng simbolo ng pananampalataya.

Samantala, sinabi ng ilang mas batang Katoliko sa Washington na masaya silang nanindigan ang Papa, habang may ilan namang tumawag sa kanya na “too harsh” sa Amerika.

Patuloy na nagiging sensitibong usapin ang bangayan, lalo na’t malaking voting bloc ang mga Katoliko sa United States at inaasahang maaaring makaapekto ito sa political landscape, partikular sa nalalapit na midterm elections.

Advertisement