Photo @ web

Nanawagan ang mga grupo ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa pamahalaan na magpatupad ng pangmatagalang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina na direktang nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Ayon sa TNVS Community Philippines, hindi sapat ang mga pansamantalang remedyo upang matugunan ang lumalalang gastusin ng mga drayber. Giit nila, kinakailangan ng mas sistematikong hakbang upang maprotektahan ang kanilang kita at kabuhayan.

Isa sa mga pangunahing panawagan ng grupo ay ang pahintulutan ang pagtaas ng pamasahe upang makasabay sa pagsirit ng presyo ng langis. Anila, makatutulong ito upang maibsan ang bigat ng gastusin na araw-araw nilang kinakaharap sa kalsada.

Binigyang-diin din ng grupo na ang mga drayber ang direktang apektado sa pagbabago ng presyo ng produktong petrolyo, kaya’t nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat at pangmatagalang suporta mula sa pamahalaan.

Advertisement
Advertisement