File Photo Courtesy Caramoan Mps Csppo

CAMSUR- Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Caramoan sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ancis,” 49-anyos, residente ng Brgy. Pandanan, sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, rank no. 4 most wanted person sa nasabing bayan ang suspek dahil sa pangmomolestya sa menor de edad.

Naaresto ang suspek ng tracker team ng Caramoan MPS, sa bisa ng tatlong warrant of arrest para sa paglabag sa section 10(a) ng RA 7610 o pangmomolestya sa menor de edad, na may piyansang ₱200,000 bawat isa.

Advertisement

Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng Caramoan MPS.

Advertisement